Posts

Image
  PAGBATI Magandang araw! Ang blog na ito ay ginawa upang ibahagi ang ilang mahahalagang bahagi ng ating pananampalataya, kultura, at tradisyon bilang mga Pilipino! Dito ay tatalakayin namin ang paksang tungkol sa Debosyon sa Nazareno , na sumasalamin sa panata, pagtitiis, at pananampalataya ng mga deboto! Layunin ng aming blog na magbigay kaalaman at mas lalong maipakita ang ganda ng ating sariling tradisyon at paniniwala na patuloy na bumubuo sa ating pagkatao bilang Pilipino!  Larawan sa kagandahang-loob ng BBC.com Debosyon sa Nazareno: Panata, Pagtitiis, at Pananampalataya ng nga Pilipino Tuwing sasapit ang Enero, ang Traslacion ng Poong Nazareno ay ipinagdiwang kung saan dumadalo ang milyun-milyong deboto sa lansangan ng Maynila na may iisang layunin, ipahayag ang kanilang panata, pagtitiis, at pananampalataya. Hindi lamang ito isang simpleng pagdiriwang o okasyon, kung hindi ito'y tradisyon na sumasalamin sa puso at damdamin dala-dala ng mga Pilipino. Dito, nasak...